Nilinaw ng Supreme Court na hindi sapat ang simpleng pagliban sa trabaho upang ituring na nag-abandona o tuluyang tinalikuran ng isang empleyado ang kanyang trabaho.

Sa desisyon ng Korte Suprema, idineklarang ilegal ang pagtanggal sa isang production utility worker na idineklarang AWOL matapos ang sunod-sunod niyang pagliban dahil sa karamdaman.

Ayon sa Korte, kinakailangang may malinaw na patunay na nais na talaga ng empleyado na putulin ang kanyang ugnayan sa kompanya bago ito maituring na abandonment of work.

Dahil dito, inatasan ng Korte Suprema ang kumpanya at ang manpower service provider na ibalik ang empleyado sa kanyang dating posisyon nang walang pagkawala ng seniority at iba pang benepisyo. Kung hindi na ito posible, dapat siyang bayaran ng separation pay at P30,000 bilang nominal damages.

Gayunman, nilinaw rin ng Korte Suprema na bagama’t ilegal ang kanyang pagkakatanggal sa trabaho, hindi siya karapat-dapat makatanggap ng back wages dahil sa hindi makatuwirang pagliban sa trabaho.

-- ADVERTISEMENT --