Pinag-aaralan ng Supreme Court o SC ang ilang hakbang tulad ng house arrest, medical confinement at community-supervised release upang makatulong sa problema ng jail congestion sa bansa.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, inaamyendahan ng SC ang mga patakaran at proseso kaugnay ng detention at release ng persons deprived of liberty o PDL.

Kasama rin sa mga pinag-aaralan ang compassionate release para sa mga matatanda, may sakit o mga kwalipikadong makalaya sa makatao o humanitarian grounds matapos mahatulan at maisilbi ang minimum na sentensiya.

Binigyang-diin ni Gesmundo na hindi lamang isang ahensya ang may pananagutan sa jail congestion dahil konektado ito sa buong proseso ng justice system, mula imbestigasyon at pagsasampa ng kaso hanggang sa pagresolba at pagpapatupad ng release orders.

Ayon sa punong mahistrado, nakatulong ang koordinasyon ng Supreme Court, Department of Justice at Bureau of Jail Management and Penology sa pagbaba ng national jail congestion rate ng double digits.

-- ADVERTISEMENT --