Pinaiigting ngayon ng Provincial Veterinary Office ng Cagayan ang kanilang blood collection samples sa mga alagang pato at itik.

Ayon kay Dr. Mica Ponce ng PVET Cagayan, dalawang beses sa isang taon na isinasagawa ng kanilang surveillance team ang ganitong hakbang upang matiyak na ligtas ang mga poultry products sa banta ng bird flu.

Hinihintay na lamang aniya nila ang resulta ng mga pagsusuri sa nakolektang samples sa mga alaga na galing sa Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Ana, Buguey, Aparri, Calamaniugan, Enrile at Penablanca habang nagpapatuloy naman ang pangongolekta mg blood samples ng mga alagang pato at itik sa bayan ng Claveria, Sanchez Mira at Ballesteros.

Saad niya, ang mga naturang bayan ang madalas na binibisita ng grupo dahil madalas na.may mga namomonitor na mga migratory birds na namamataan sa mga naturang lugar

Kung sakali naman aniya na may mga magpositibo sa isinagawamg mga pagsusuri ay agad na magsasagawa ng culling sa mga apektadong bayan mula sa 1km radius.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, nilinaw niya na wala namang anumang binabantayan na may kaso ng bird flu sa Cagayan maliban sa bayan ng Solana na nakapagtala ng naturang klase ng sakit noong Enero 2023 na mabilis namang na-contain.

Samantala, inihayag ni Ponce na sapat ang supply ng poultry products sa Cagayan dahil wala pang natutukoy na kaso ng bird flue sa probinsya.