Patuloy na nagsasagawa ng surveillance at nangongolekta ng blood samples ang Department of Agriculture (DA) Region 2 sa mga alagang manok at itik mula sa mga lugar sa rehiyon na nakikitaan ng presensya ng mga migratory birds.

Ito ay bilang bahagi ng ginagawang monitoring at pag-iingat ng ahensya na hindi makapasok sa rehiyon ang banta ng avian influenza matapos makita ito sa Bulacan, Pampanga, Camarines Sur, Laguna, Bataan at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Dr. Manuel Galang Jr. ng DA Region 2, sa ngayon ay nananatiling avian influenza free ang lambak ng Cagayan ngunit kailangang paigtingin ang seguridad upang maiwasan ang posibleng epekto ng bird flu poultry industry.

Sinabi nito na nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Kagawaran ng Kalusugan sa mga pag-aaral at monitoring dahil isa sa nakakabahalang epekto nito ay kung makahawa sa tao dahil sa kasaysayan ay nakapagtala noong taong 1918 ng kaso ng spanish flu.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay pinaiigting ng DA ang kanilang information dissemination para maturuan ng tamang kaalaman ang mga magsasaka at mga miyembro ng Farmers Cooperative Associations upang maiwasan na mahawa ng virus ang kanilang mga alagang hayop.