Nahuli na ang suspek sa pagnanakaw sa isang money changer sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ni Police Major Ruben Verbo, deputy chief of police ng Tuguegarao City ang suspek na si Justin Umayam, dating kahera ng nasabing money changer.

Ayon kay Verbo, hinuli si Umayam sa kanilang bahay sa Enrile, Cagayan kagabi.

Sinabi ni Verbo na nakuha sa pag-iingat ni Umayam ang P244, 000 mula sa nawawala sa establishment na P255, 000.

Ayon sa kanya, nakikilala si Umayam sa pamamagitan ng CCTV footage na malapit sa money changer dahil sa sira umano ang CCTV ng establishment.

-- ADVERTISEMENT --

Sa imbestigasyon, sinabi ni Verbo na inamin mismo ni Umayam na nagpagawa siya ng duplicate ng susi ng roll window at mga drawer ng establishment kaya madali lang siyang nakapasok at kinuha ang cash.

Ang may-ari ng money changer ay si Brylen Rafael Dupaya, 25, ng san Gabriel, Tuguegarao City.