Humarap na sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ang itinuturong suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que na si Gong Wen Li o Kelly Tan Lim.
Ito ay kasunod ng pagkaaresto sa kanya sa Boracay noong May 17.
Matatandaang siya ang nakitang huling kasama ni Que bago ito mawala.
Siya rin ang sinasabi ng iba pang suspek na nanghingi ng ransom sa pamilya ng biktima.
Maliban sa suspek, nagtungo rin ang anak ni Anson Que na si Alvin Que sa DOJ.
Ayon sa legal counsel nito na si Atty. Pearlito Campanilla, naghain si Alvin ng kanyang sworn affidavit.
Laman umano nito ang mahahahalagang impormasyon kaugnay ang kaso.
Samantala, iginiit ni Campanilla na hindi sangkot ang kanyang kliyente sa pagpatay sa kanyang ama.
Sa huli, sinabi nitong umaasa ang buong pamilya-Que na maibibigay ang hustisya sa insidente.