TUGUEGARAO CITY-Magkakaroon ng suspension of penalty sa mga hindi makapagrenew ng kanilang lisensiya at hindi makapagrehistro ng sasakyan mula nang ipag-utos ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, nitong Marso 17, 2020.

Ayon kay Manny Baricua ng LTO-Region 2, bibigyan ng konsiderasyon ang mga hindi makapagrenew at makaprehistro ng kanilang mga sasakyan bilang pag-iingat sa Covid-19.

Aniya, maging ang mga may hawak na student permit na mapapaso kasabay ng luzon quarantine ay bibigyan na marenew ang lisensiya na walang ipapataw na multa.

Ngunit, nilinaw ni Baricua na tanging ang mga hindi nakapagrenew sa loob ng enhanced community quarantine lamang ang kasama sa suspension of penalty.

Tinig ni Manny Baricua

-- ADVERTISEMENT --