TUGUEGARAO CITY-Binawi na ng pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang deklarasyon nang suspensyon ng klase sa darating na Pebrero 17-21, 2020.
Ito ay matapos i- postpone ng Department of Education (DEPED) ang National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sana dito sa lungsod sa nasabing petsa.
Una rito, kinansela ng DEPED ang NSPC dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus sa bansa.
Ayon kay Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City, tuloy ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod sa mga nasabing petsa.
Aniya, huwag sanang magkaroon ng kalituhan dahil malinaw naman ang pag- postpone ng deped sa nasabing aktibidad upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa laban sa nCov.
Samantala, hinimok ni Soriano ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, kumain ng masusustansiyang pagkain at panatilihing malinis ang sarili para mailayo sa anumang sakit.