Tuguegarao City- Pormal na isinagawa ang “switch on ceremony” ng Buntun Bridge pasado alas 7 kagabi (June 26).
Ang pagpapailaw sa nasabing tulay ay may layuning pagandahin at tiyakin ang kaligtasan ng mga dumadaan sa lugar.
Sa panayam kay Frances Obispo ng CAGELCO 1, isa sa itinuturing na pasyalan o tourist destination ang Buntun Bridge sa Cagayan bilang isa sa pinakamahabang tulay sa bansa.
Aniya, matagal ng plano ang pagpapailaw sa lugar ngunit kinailangan pang magsagawa ng pagpupulong upang mapag-usapan kung anong ahensya o tanggapan ang mangangasiwa ng maintenance ng nasabing pailaw.
Sinabi pa ni Obispo na ang kanilang tanggapan na ang sasagot power bill ng nasabing proyekto.
Nabatid na nasa P2M piso naman ang ginamit na pondo para sa installation ng pailaw.
Nananawagan naman siya sa publiko na tumulong sa pangangalaga ng pailaw upang tumagal at mapakinabangan ng publiko lalo na ang mga naglalakbay sa lugar.