Epektibo na ngayong araw, February 1, 2026, ang taas-presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa abiso ng Petron, magpapatupad ito ng P1.50 kada kilo na dagdag-presyo simula 12:01 ng madaling araw ng Linggo.

Anila, ang pagbabago ay sumasalamin sa presyo ng LPG sa international market para sa Pebrero.

Samantala, sa hiwalay na abiso, inanunsyo naman ng Solane ang P1.55 kada kilo na dagdag-presyo sa kanilang LPG products, simula 6 ng umaga ng Pebrero 1.

Ayon sa kumpanya, ang hakbang ay nakaayon sa adjustment ng international LPG contract price para sa buwan ng Pebrero.

-- ADVERTISEMENT --

Para sa mga kabahayan, nangangahulugan ito ng karagdagang humigit-kumulang P16.50 hanggang P17 sa isang karaniwang 11-kilogram cylinder, na karaniwang ginagamit sa tahanan.

Ang pagtaas ng presyo ay kasunod ng serye ng buwanang LPG adjustments na nakadepende sa galaw ng global market.