Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa inilabas na abiso ng Department of Energy (DOE).

Ito ay kinumpirma ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, batay sa nagdaang apat na araw ng kalakalan.

Inaasahang tataas ang presyo ng diesel mula P1.45 hanggang P1.70 kada litro.

Nasa P0.60 hanggang P0.85 kada litro naman ang itataas ng gasolina.

Habang, P1.85 hanggang P1.90 kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng kerosene.

-- ADVERTISEMENT --

Maaaring dahilan umano ay ang pagtaas rin ng pandaigdigang pagtataya ng demand mula sa Energy Information Administration (EIA) at Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), at iba pang mga pagbabago sa pandaigdigang presyo ng pinagkukunang suplay.

Karaniwan namang inaanunsyo ng mga kumpanya ang pagbabago sa presyo tuwing Lunes na ipapatupad naman sa araw ng Martes.