Muling magkakaroon ng oil price hike sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero batay sa monitoring sa international oil market.

Tinatayang magkakaroon ng P.80 hanggang P1.40 per liter sa gasoline, P0.40 hanggang P1.00 per liter sa diesel, at P0.50 hanggang P.70 per liter sa kerosene.

Sinabi ni Romero na ang panibagong pagtaas sa presyo ng langis ay bunsod ng mga kaganapan sa ibang bansa.

Malalaman sa araw ng Lunes kung magkano ang dagdag sa presyo ng langis na ipatutupad naman sa Martes.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na mahigit isang piso ang ipinatupad na oil price hike noong April 22.