TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng dagdag sahod para sa mga guro kasabay nang pagdiriwang ng World Teachers Day, kahapon.
Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng ACT, sakabila ng napakaraming proposal sa pagtaas ng sahod ng mga guro sa kongreso lahat umano ay hindi pa naaaprubahan.
Dahil dito, hindi titigil ang kanilang hanay sa pagkamit na taasan ang sahod ng mga guro.
Aniya,nanawagan ang kanilang grupo na gawing P30,000 ang entry level ng mga guro na sa ngayon ay nasa P11,000 lamang.
Samantala, sinabi pa ni Basilio na ilan pa sa mga guro ay nahuhugot na ang kanilang sweldo o di kaya’y umuutang na lamang para makamit ang Globally Competitive Education.
Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng mga kagamitan sa pagtuturo.