Pansamantalang isasara ng dalawang araw Tabuk City Hall sa Kalinga simula ngayong araw ng Huwebes hanggang Biyernes.
Itoy matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado sa tatlong opisina ng naturang munisipyo.
Ayon kay Mayor Darwin Estrañero, isasailalim sa disinfection ang nasabing munisipiyo at magsasagawa ng swab testing batay sa rekomendasyon ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF)- Cordillera.
Suspendido rin ang trabaho sa city hall maliban lamang sa health services at ibang basic services.
Mandatory naman sa lahat ng mga empleyado ang sumailalim sa swab-test ngayong araw.
Sinabi ng alkalde na layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga residente at iba pang indibidwal na may transkasyon sa lugar.
Magbabalik naman ang serbisyo ng Tabuk City Hall sa Lunes, May 3.