Isinailalim sa state of calamity ang Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga dahil sa tumataas na kaso ng rabies.

Naging basehan ng deklarasyon ang labinlimang kumpirmadong kaso ng canine rabies sa lugar na lubhang nakakaalarma dahil sa posiblenag pagkalat nito.

Bukod dito, apat na ang kumpirmadong patay dahil sa rabies o kagat ng aso.

Una na ring inilagay sa state of emergency ang lugar matapos ihinto ng Department of Agriculture- Cordillera (DA-CAR) ang suporta sa bakauna kaya kinapos sila sa pondo.

Dahil sa deklarasyon, gagamitin ng pamahalaang lokal ang calamity fund para bumili ng mga bakuna sa mga aso, maging sa mga taong biktima nito.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong buwan inaasahan ang mass anti-rabies vaccination sa mga aso sa lungsod.