Nanalo si Nigel Richards, isang 57 years old na New Zealand scrabble phenom sa 2024 Spanish-Language Scrabble World Championship sa kabila na hindi nito alam ang lenguahe ng Spain.
Matatandaan na noong 2015 din ay napanalunan ni Richards ang 2015 French-Language Scrabble Championship sa kabila na hindi siya marunong magsalita ng French.
Kilala na si Richards na world’s best scrabble player at tinatawag din siya na “Tiger Woods of Scrabble.”
Marami ang duda sa naging tagumpay ni Richards na nanalo na isang hindi marunong sa French ang nanalo sa nasabing kompetisyon.
Subalit, muli niya itong napatunayan nang manalo sa Spanish-Language Scrabble World Championship na hindi naman siya marunong sa Spanish.
Kinakabisadu ni Richards ang maraming salitang French at Spanish na hindi na inaalam kung ano ang ibiog sabihin ng mga ito.
Sa katunayan, nagawa umano ni Richards na kabisaduhin ang French vocabulary sa loob ng siyam na linggo.