Pinangangambahan ngayon ng mga Pinoy workers sa Taiwan na hindi matuloy ang bakasyon matapos makansela ang kanilang flight dahil sa travel ban.
Bukod dito, sinabi ni Gilda Banugan ng Migrante Taiwan na nangangamba rin ang karamihan sa mga balik-manggagawa patungong Taiwan na mawalan ng trabaho dahil sa umiiral na ban.
Gayunman, sinabi ni Banugan na kasalukuyan nang nag-uusap ang Taiwan government at Philippine govt sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) para sa mga kaukulang hakbang na gagawin sa mga apektadong OFW.
Nanawagan aniya ang Taiwan sa Pilipinas na tanggalin ang temporary travel ban dahil hindi naman umano malala ang problema ng novel coronavirus doon.