Pinasalamatan ng Taiwan si Pangulong Bongbong Marcos kasunod ng pagtitiyak ng kanyang suporta sa naturang bansa sakaling may mangyaring gulo.
Una kasing sinabi ni Pangulong Marcos habang siya ay nasa India na hindi ito mananatili sa ‘sidelines’ sakaling magkaroon ng gulo sa Taiwan Strait.
Ang pahayag na ito ay kasunod naman ng babala ng China sa presidente na ang mga sinasabi nito ay tila “playing with fire.”
Sa isang statement ngayon ng Ministry of Foreign Affairs sa Taipei, nakasaad na kinikilala nila ang ginawa ni Pangulong Marcos.
Pinuri rin ng Taiwan ang Philippine leader sa pagpapahayag ng pag-aalala sa kaligtasan ng malaking bilang ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.
-- ADVERTISEMENT --