Inaasahang dan-daang kapulisan at atleta ang lalahok sa simultaneous na “Takbo para sa Itbayat” sa September 21, Sabado.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley PNP na inorganisa ng Police Regional Office 02 ang naturang aktibidad na isasagawa sa mga provincial police stations sa lambak ng Cagayan.
Ang malilikom na pondo para rito ay ibibigay na tulong sa mga biktima ng dalawang magkasunod na lindol sa Itbayat, Batanes.
Ang takbuhan ay mayroong P300 registration fee kasama na ang snack kung saan tatanggap ng cash prize ang mga mananalo.
Magsisimula ang takbuhan sa oras na 4:30 ng madaling araw sa Sabado simula sa PRO-02 at magtatapos sa Tuguegarao City Cathedral.
Sa mga interestadong runner, maaaring makipag-ugnayan sa Provincial Strategy Management Office para sa karagdagang impormasyon at registration.