Hawak na ng pulisya ang isang lalaki na umanoy High Value Target sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at Philippine Druag Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Gonzaga.

Kinilala ang suspek na si Vernon Saniatan, 35-anyos at residente sa Barangay Minanga.

Ayon kay P/Maj. Elpidio Zingapan, hepe ng PNP-Gonzaga, si Saniatan ay dating drug-surenderee subalit namonitor na patuloy pa rin itong gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha umano sa kanya ang isang sachet na naglalaman ng shabu na may halagang P500 habang ibinebenta sa isang asset ng PDEA sa Barangay Paradise.

Naniniwala si Zingapan na kawalan ng trabaho ang dahilan kung kaya bumalik si Saniatan sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar at kalapit na bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa RA 9165.