Inaasahang madaraanan na ngayong araw ng Sabado ang tulay na tanging kumukonekta sa bayan ng Gonzaga at Sta. Ana Cagayan matapos masira kay bagyong Ofel.

Ayon kay Maricel Asejo, tagapagsalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Region 2, kahapon nang sinimulan ang clearing operation at restoration activity sa San Jose Bridge sa bayan ng Gonzaga at target matapos ngayong araw.

Temporaryong naglagay ang DPWH ng sheetpiles at backfill sa nasirang bahagi ng tulay na dulot ng pagragasa ng tubig-baha at mga kahoy mula sa kabundukan.

Samantala, may apat na mga pangunahing kalsada pa rin sa lalawigan ng Quirino ang one lane passable dahil sa mga naitalang landslide dulot ng pananalasa ng bagyo.