Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon na fully grown marijuana plants at dried marijuana leaves ang winasak ng mga otoridad sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa Mount Chalimuno, Brgy. Saclit, Sadanga, Mt. Province.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation doon sa naturang bundok ang mga pinagsanib na grupo mula sa PDEA-CAR Mt. Province Provincial Office at mga local police units nang madiskubre nila ang taniman ng marijuana.

Tinatayang may lawak na 1,500 square meters ang naturang lupa at natamnam ang ito ng humigit-kumulang sa 10,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2,100,000.

May nakita rin doon sa lugar na dried marijuana leaves and fruiting tops na tinatayang tumitimbang ng 3000 gramo at limang bricks ng dried marijuana leaves na nasa P960K naman ang halaga.

Matapos pagbubunutin ang mga fully grown marijuana ay sinunog nila ang mga ito kasama ang mga nadiskubre nilang limang bricks ng dried marijuana leaves at dried marijuana leaves and fruiting tops.

-- ADVERTISEMENT --

Walang naaresto ang mga otoridad na marijuana cultivator sa naturang taniman ng marijuana.