
Patay ang isang barangay tanod matapos na ararohin ng isang pickup ng tatlong sasakyan sa Cavite City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinalpok ng pickup ang isang motorsiklo, kung saan bumangga naman ang motor saisa pang motorsiklo.
Nagpatuloy pa rin umano ang pickup sa pag-andar hanggang sa masagasaan na nito ang isang nagpapatrolyang tanod.
Tinangkang tumakas ng pickup hanggang sumalpok naman ito sa isang minibus.
Dead on arrival sa ospital ang nasagasaang tanod na kinilalang si Ismael Bombales, habang sugatan ang anim na iba pa.
Lumabas sa resulta ng breathalyzer test na positibong nakainom ng alak ang pickup driver.
Nananawagan ng hustisya ang live-in partner ng nasawing biktima sa insidente.
Sinabi ng babae na ang kanyang asawa lamang ang kanyang katuwang sa buhay, lalo na at sanggol pa lang ang kanilang anak.










