TUGUEGARAO CITY-Muling magsasagawa ang pagtatanggal sa mga sagabal sa mga lansangan sa lungsod ng Tuguegarao City ang Task Force Clean and Order sa Huebes.
Sinabi ni Pedro Cuntapay, head ng task force na kapansinpansin kasi na muli na namang bumabalik sa mga gawain ang ilang indibibidual na basta na lamang nagtatambak ng mga bagay-bagay sa gilid ng mga lansangan na nakakaapekto sa daloy ng trapiko.
Ayon sa kanya, kabilang sa kanilang titignan ay ang mga wala sa lugar na mga signages,mga nakatambak na mga construction materials at iba pa.
Binigyan diin ni Cuntapay na wala silang pakialam kung may magagalit sa kanilang gagawing paglilinis.
-- ADVERTISEMENT --