Hindi pa man lubusang nakakapagpahinga ang mga rescuers at first responders sa Cagayan sa pananalasa ng bagyong Kristine at Leon, at maging sa Undas, bumalik na naman sa alerto ang Task Force Lingkod Cagayan dahil sa banta ng bagyong Marce.

Sinabi ni Arnold Azucena, head ng TFLC na muli nilang pinakilos ang kanilang mga tauhan para magbantay sa posibleng epekto na naman ng bagyong Marce.

Ayon sa kanya, naka-standby na rin ang kanilang floating assets at iba pang mga kagamitan para sa rescue operations sa mga low lying areas na una nang nakaranas ng mga pagbaha sa pananalasa ng bagyong Kristine at Leon at maging sa landslides prone areas.

Ito ay dahil sa ang tumbok na naman ng bagyong Marce ang mga lugar na dinaanan ng nagdaang dalawang malalakas na bagyo na nagbunsod ng mga pagbaha at paglikas ng maraming mamamayan.

Sinabi niya na kung hindi magbabago ang track ng bagyong Marce, ay posibleng magpapatupad ng preemptive evacuation lalo na sa coastal areas ng lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --