Naghahanda na ang Task Force Lingkod Cagayan (TLFC) sa paglalatag ng mga panuntunang ipatutupad ng kanilang hanay para sa nalalapit na paggunita ng semana santa.

Sa panayam kay Rueli Rapsing ng TLFC, isasailalim sa red alert status ang probinsya ng Cagayan sa Abril 14- 18 at hihigpitan ang kanilang monitoring sa mga pampublikong lugar na madalas dagsain ng publiko tulad ng mga simbahan at ilog o resorts.

Kaugnay nito ay nakatakda rin aniya silang mag deploy ng mga floating assets para may magamit sa agarang pagresponde kung may maitalang insidente sa mga madalas pinapasyalan tuwing semana.

Sinabi niya na nakaalerto na rin ang lahat ng kanilang personnel para magbantay sa mga ‘lakbay alalay motorist assistance areas’ na ilalatag ng TLFC.

Samantala, inihayag naman ni Rapsing na sa kabila ng epekto ng mga pag-ulan sa probinsya ay nasa maayos na sitwasyon naman ang mga landslide at flood prone areas na binabantayan ng kanilang hanay.

-- ADVERTISEMENT --

subalit apektado naman aniya ang pagbibilad ng mga ani ng mga magsasaka dahil sa mga pag-ulan na dulot pa rin ng Northeasterlie Surface Windflow.