
Tatlo pang pulis ang inaresto may kaugnayan sa missing sabungeroa, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR).
Sinabi ni CIDG-NCR chief Col. John Guiagui, ang tatlong pulis ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Lipa City Batangas at nasa ilalim na sila ng restrictive custody sa Camp Crame.
Ayon kay Guiagui, isa pang pulis ang kanilang tinutugis, na tinanggal sa serbisyo.
Kaninang umaga ay naglabas ang korte sa Lipa Coty ng arrest warrants laban kay Atong Ang at sa 20 iba pa para sa anim na bilang ng kasong walang piyansa na kidnapping with homicide.
Naaresto na ang 16 sa dalawang kapwa akusado ni Ang na nasa listahan ng arrest warrant mula sa Lipa sa pamamagitan ng hiwalay na warrant na inilabas ng Santa Cruz, Laguna RTC Branch 26 nitong Miyerkules.
Tanging si Ang at ang tinanggal na pulis na lamang ang tinutugis ng mga awtoridad.
Matatandaan na nag-alok Department of the Interior and Local Government ng P10 million reward sa makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Ang.










