Tinatayang dalawa o tatlong cyclone o bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa state weather bureau, ang mga nasabing bagyo ay may tsansa na mag-landfall sa Visayas o Central Luzon o dadaan malapit sa Batanes.

May tsansa rin na magbago ng direksion ang mga sama ng panahon subalit palalakasin ng mga ito ang Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa weather bureau, karaniwan na may maraming bagyo sa Hulyo.

Sa ngayon ay binabantayan ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Casiguran, Aurora.

-- ADVERTISEMENT --

Maliit pa rin ang tyansa nito na maging ganap na bagyo sa mga susunod na 24 oras ngunit hindi inaalis ang posibilidad na maging tropical depression sa mga susunod na araw.

Ang trough ng LPA parin ang nakaaapekto sa bahagi ng Bicol Region, Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon, kung saan ito ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.