Patay ang tatlong bata matapos aksidenteng masunog ang kanilang bahay dahil umano sa kandila sa bayan ng Calumpit, Bulacan.
Ayon sa ulat, nasa pagitan ng isang taon gulang ang babae habang nasa lima at pitong taong gulang ang kanyang mga kapatid na lalaking biktima at mga residente ng Brgy. Gatbuca.
Naganap ang insidente bandang 11:00 ng gabi ng Miyerkules, April 23.
Base sa impormasyon, posibleng kandila ang naging mitsa ng sunog na tumusta sa mga biktima dahil wala umanong kuryente nang mangyari ang insidente.
Sinasabing umalis ang kanilang ina para makilamay sa patay sa kabilang barangay at iniwan ang magkakapatid.
Kaugnay nito, sa Facebook post na nag-viral, maraming galit na netizen ang nagsabing nagsusugal lamang ang ina ng mga biktima sa isang lamay sa kanilang barangay sa kasagsagan ng sunog.