Patay ang tatlong boy scouts habang 12 ang nasugatan matapos silang makuryente habang nagtatayo ng camp sa 2024 Council Scout Jamboree sa Climaco Freedom Park sa Pasonanca, Zamboanga City kahapon.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), inililipat ng boy scouts ang kanilang tent sa ibang lugar nang aksidenteng tumama ang isang bahagi ng tent sa live wire.

Nagtamo ng electrical burns ang 12 nasugatan sa insidente at sila ay nasa ligtas ng kalagayan.

Dahil sa nasabing insidente, kinansela ng lokal na pamahalaan ang apat na araw na aktibidad mula December 12 hanggang 15. na lalahukan sana ng nasa 2,000 boy scouts sa nasabing lungsod.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --