Inihayag ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may tatlong vessel ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng Tsina ang namatan sa territorial waters ng Pilipinas.

Ayon sa WestMinCom, ang tatlong Chinese warships na unang na-monitor sa West Philippine Sea (WPS), araw ng Linggo, ay pumasok sa territorial waters ng Pilipinas na naglayag sa pamamagitan ng Mindoro Strait patungong Sulu Sea.

Ayon kay WestMinCom chief Lieutenant General Antonio Nafarrete, ang Chinese warships ay inaasahang magta-transit sa pamamagitan ng international passages sa loob ng maritime domain ng WestMinCom, ang Sibutu Passage, at ang Basilan Strait.

Dagdag niya na pinapayagan ang pagdaan ng vessels ng ibang bansa, gayunman sinabi nito na ang Tsina ay walang diplomatic coordination sa Pilipinas at ang vessels nito ay nananatili ang bilis na “four to five knots.”

Ang WestMinCom’s Joint Task Force Poseidon ay nag-dispatch ng Philippine Navy ships para hamunin at bumuntot sa Chinese warships.

-- ADVERTISEMENT --