Tatlong katao ang nahuli ng mga awtoridad sa Cagayan sa isinagawang drug buy-bust operation kahapon.

Unang nahuli si alyas Jeff, 38-anyos ng Tuguegarao City matapos na bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer ng operatiba kapalit ng P1,000 marked money.

Dalawa naman ang nahuli sa Barangay Villa Maria, Enrile, Cagayan sa isa ring buy-bust operation na sina alyas Polo, 39-anyos, street level individual at alyas Loi, 60-anyos.

Binentahan ng dalawa ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer.

Nakuha rin sa pag-iingat ng mga ito ang marked money at boodle money na ginamit sa operasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Anguluan, direktor ng PNP Cagayan na ang pagkakahuli sa mga nasabing drug pusher ay patunay sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs at sa hangarin na gawing drug free ang Cagayan.