Arestado ang tatlong indibidual dahil sa kasong estafa kahapon sa magkakahiwalay na operasyon sa Cagayan.

Unang inaresto ng mga pulis ng Iguig Police Station si alyas Jane, 47-anyos, negosyante, residente ng Alcala kahapon ng umaga.

Kailangan ni alyas Jane na maglagak ng P72,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Inaresto naman ng mga pulis ng Baggao Police Station kasama ang 204th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2, at 2nd Mobile Force Platoon, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sina alyas Eva, 78-anyos at alyas Susan, 49-anyos.

May inirekomendang piyansa ang korte na P10,000 para kay alyas Eva habang P16,000 naman para kay alyas Susan.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala ang mga naaresto sa kanila-kanilang police stations para sa booking procedures bago sila ibinalik sa court of origin.

Kaugnay nito, sinabi ni PCol Mardito Anguluan, director ng Cagayan Police Provincial Office na ang mga ginagawang pag-aresto sa mga wanted at iba pang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng kanilang mandato upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas.