Nag-imbento ng air-filtering device para sa mga bisikleta ang isang grupo ng mga estudyante sa Vietnam para hindi na nila kakailanganing magsuot ng face masks upang makaiwas sa polusyon tuwing bibiyahe sila papuntang paaralan.

Anim na buwan ang inabot ng tatlong magkakaibigan mula Thang Long Gifted High School sa Da Lat city sa pagdisenyo ng kanilang imbensiyon

Sa handlebar ng bisikleta nakaposisyon ang air filter, na binubuo ng bulak at activated carbon na sasalo sa alikabok.

Nakakabit ang air filter sa maliliit na bentilador na nagbubuga ng malinis na hangin sa mukha ng siklista.

Ayon sa mga pagsusuri, aabot sa 86% ng alika­bok at 63% ng nitrogen oxide ang kayang salain ng imbensiyon mula sa hangin.

-- ADVERTISEMENT --

Tiwala naman ang physics teacher ng mga imbentor na si Phan Gia Sam na magiging epektibo ang imbensiyon ng kanyang mga estudyante.