
Tatlong hikers ang nasawi matapos ang pagsabog ng Mount Dukono sa Indonesia.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa grupo ng 20 hikers ang siyam na Singaporeans na umakyat sa bundok kahit may umiiral na climbing ban sa lugar.
Gayunpaman, matagumpay namang nasagip ng rescuers ang iba pang miyembro ng grupo na nawala matapos ang pag-aalburoto ng bulkan.
Batay sa Volcanological Survey ng Indonesia, nagbuga ng makapal na abo ang Mount Dukono dakong alas-7:41 ng umaga sa kanilang oras, habang nagpapatuloy ang retrieval operations ng mga otoridad.




