Huli ang tatlong katao dahil sa tangkang pagpupuslit ng mga kontrabandong kahoy sa bayan ng pinukpuk kalinga.
Nakilala ang mga suspek na sina mark niel tecson, 23 anyos, joel mata, 23 anyos at edgardo gonzales, 51 anyos na pawang mga residente ng bayan ng san miguel bulacan.
Nabatid na umaabot sa 241 na piraso ng tinistis na narra na katumbas ng mahigit 4,000 bd.ft na nagkakahalaga ng P412,383 ang nakumpiska sa mga suspek.
ayon kay PLT Alfredo faed, operation officer ng Pinukpuk police station, bandang alas 4 ng umaga ng napansin ng isang barangay kagawad ang kahinahinalang dumptruck na dumaan sa harap ng barangay hall dahilan upang abisuhan ang mga kasama niya na nagresulta naman sa pagkakahuli ng tatlo.
Walang naipakitang permit o kaukulang dokumento ang mga suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na nga pulisya ang tatlo at mahaharap sa kasong paglabag ng PD 705 o iligal na pangangahoy.