Patay ang tatlong katao matapos na araruhin ng isang truck ang maraming sasakyan sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road sa Quezon City.
Nangyari ang insidente ng 11:30 kagabi habang binabaybay ng truck ang daan papuntang probinsiya ng Rizal.
Dalawang motorsiklo, isang kotse at AUV ang nasangkot sa nasabing insidente.
Ayon sa pulisya, sinabi ng driver ng truck na naramdaman umano niya na hindi gumagana ang kanyang preno, kaya nawalan siya ng kontrol sa manebela ng sasakyan.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver na isang 38-anyos.
-- ADVERTISEMENT --