Tatlong katao na ang namatay sa Jamaica habang papalapit ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon, at posibleng ang pinakamalakas na sa record ng isla.

Sa bilis ng hangin na hanggang 174mph o 282km/h, ang Hurricane Melissa ay isang category five na bagyo.

Lalo pa itong lumalakas at inaasahan ang landfall nito sa Caribbean island ngayong araw.

May mga naitala ring apat na namatay sa Haiti at Dominican Republic, na dagdag sa mga namatay sa Jamaica.

Nagbabala ang mga eskperto na ang mabagal na paggalaw ni Melissa ay magdadala ng malalakas at walang tigil na pag-ulan sa ilang lugar, na posibleng magreresulta sa mapaminsalang mga pagbaha at landslides.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa pinakahuling data mula sa US-based National Hurricane Center (NHC), ipinapakita na ito ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon batay sa maximum win at low central pressure.

Sa kasalukuyang lakas nito, ito ang posibleng pinakamalakas na hurricane sa Jamaica buhat noong 1851.