TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP at kasundaluhan sa pagsunog umano ng
komunistang grupo o New People’s Army sa tatlong kubo ng mg magsasaka sa Sitio Bungcag, Brgy. Luga sa
Santa Teresita, Cagayan kahapon.
Sinabi ni Capt. Rigor Pamittan ng 5th Infantry Division na agad na ngsumbong si Ginoong Aracadio
Damian, 62 anyos sa kasundaluhan at maging sa pulisya matapos na madatnan ang kanyang kubo na abo
matapos na sunugin ng pinaniniwalaan niyang mga miembro ng NPA.
Ayon kay Damian, bago ang pagsunog sa kanyang kubo ay may 10 na armadong kalalakihan na pumunta sa
kanyang kubo nagsabi na kailangan nilang magpahinga sa kanyang kubo at himingi pa ang mga ito ng
pagkain.
Tumalima naman umano siya at iniwan pansamantala ang mga kalalakihan upang tignan ang kanyang sakahan,
subalit nanlumo siya ng makita na abo na ang kanyang kubo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni PCapt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sta. Teresita na bukod kay Damian,
may dalawa pang nagreklamo sa kanilang himpilan na sinunog din ang kanilang mga kubo.
Sinabi ni Gabatin na nakikipagtulungan sila sa kasundaluhan upang matukoy at mapanagot ang mga sangkot
sa nasabing insidente.
Kasabay nito, sinabi ni Gabatin na bagamat hindi NPA threatened ang Sta. Teresita, ito naman ang
nagiging daanan ng mga rebelde papunta sa ibang mga bayan o lugar.
Dahil dito, sinabi niya na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang pagbabantay upang matiyak na hindi
na muling makagawa ng karahasan ang teroristang grupo.