Hinuli ng mga awtoridad ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (KPMFC) and Tabuk City Police Station (CPS) ang tatlong lalaki habang nagsasagawa ng anti-criminalit checkpoint operation sa Barangay Dilag, Tabuk City, Kalinga.

Pinatitigil ng mga pulis ang tatlo na sakay ng isang motorsiklo dahil sa ilang paglabag kabilang ang walang suot na helmet at walang headlight ang kanilang sasakyan.

Subalit sa halip na sumunod, tinangka ng tatlo na tumakas, na nagbunsod para habulin sila ng mga pulis.

Ang dalawa sa riders ay kapwa residente ng Mapaco, Pinukpuk, Kalinga, habang ang isa pay ay mula sa Bayabat, Dilag, Tabuk City.

Nang mahuli ang mga ito at kapkapan, nakuha ang isang pistol na wanpung na walang markings at dalawang piraso na bala ng .45 caliber sa isa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Nabigo siya na magpakita ng lisensiya o otorisasyon na magdala ng baril.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 10591 – Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority).