Tuguegarao City- Binigyang pagkilala ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region 2 ang tatlong Police Stations at tatlong Local Government Units sa lalawigan ng Cagayan.

Kabilang sa mga tanggapan ng pulisya at LGUs na ginawaran ng pagkilala ay ang bayan ng Solana, Buguey at Lungsod ng Tuguegarao bilang best implimentor ng community and service oriented policing system.

Ito ay isinagawa kasabay ng selebrasyon ng ika-26th national crime prevention week.

Paliwanag ni Atty. Manuel Pontanal, Direktor ng NAPOLCOM Region 2, layunin nitong ipakilala ang mga Police stations sa pagpapatupad ng modernong pagsisilbi sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Naniniwala ang ahensya na malaking bagay na mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng isang lugar sa pamamagitan ng magandang kooperasyon ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Muli namang tiniyak ng hanay ng PNP ang maayos na pagtupad sa mga mandato nito sa kriminalidad para sa kapayapaan ng lalawigan.