Binabantayan ng state weather bureau ang tatlong low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang LPA sa loob ng PAR ay may maliit na tsansa na maging isang tropical cyclone sa susunod na 24 oras.

Huli itong nakita sa 790 kilometers northeast of Itbayat, Batanes.

Ang LPA naman na nasa labas ng PAR ay posibleng mabuo bilang tropical cyclone sa loob ng 24 oras.

Ito ay ang iniwan ng bagyong Bising at huli itong namataan sa 475 northwest ng Itbayat, Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Malabo naman na maging bagyo ang isa pang LPA sa labas ng PAR sa susunod na 24.

Ito ay huling nakita sa 2,070 kilometers silangan ng extreme Northern Luzon.

Ang southwest monsoon o Habagat ang patuloy na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ibinababala ang posibleng mga pagbaha at landslides sa mabababang lugar dahil sa mga pag-ulan.