
Inaasahan ang mapanganib na lebel ng heat index sa tatlong lugar sa bansa ngayong araw, Marso 15.
Ayon sa weeather state bureau, posible ang heat index na 42 degrees Celsius sa Dagupan City, Pangasinan;
Aparri, Cagayan; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Samantala, nasa extreme caution category naman ang mga sumusunod na lugar sa pagkakaroon ng heat index na 41°C ang Cotabato City, Maguindanao at Virac, Catanduanes; 40°C sa Infanta, Quezon; Puerto Princesa City, Palawan; Masbate City, Masbate; BU-Guinobatan, Albay; Roxas City, Capiz; at Borongan, Eastern Samar; 39°C sa Cuyo,Palawan; Legazpi City, Albay; Catarman, Northern Samar; Catbalogan, Western Samar; Dipolog, Zamboanga del Norte; Davao City, Davao del Sur; at Hinatuan, Surigao del Sur; 38°C sa Tuguegarao City; NAIA, Pasay City; Bacnotan, La Union; Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City; Iba, Zambales; San Jose, Occidental Mindoro; Aborlan, Palawan; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Tacloban City, Leyte; at General Santos City, South Cotabato
Posible ang heat stroke sa mga lugar na nasa ilalim ng extreme danger, habang heat cramps, exhaustion at heat stroke ay mas mataas din na tsansa sa ilalim ng danger level.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng isang tao.