
Tatlong magkakapatid na hinihinalang shabu dealers at nagpapatakbo umano ng drug den ang hinuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis sa isang buy-bust operation sa Brgy Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang magkakapatid na sina Herbert Domingo Simangan III, 31-anyos; Herbert Domingo Simangan IV, 30 anyos; at Herbert Domingo Simangan V, 28-anyos.
Ayon kay PDEA-RO2 Regional Director Gil Cesario Castro, nagsilbing drug den ang bahay ng isa sa mga suspek habang isa naman ang umaangkat ng iligal na droga sa Metro Manila.
Narekober sa operasyon ang nasa P50K na halaga ng shabu at mga gamit ng mga suspek sa loob ng drug den kung saan nagpa-pot session ang kanilang mga kliyente na mula sa mga karatig na bayan at probinsiya.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.










