Binangga ang bangka na may sakay na walong mangingisda ng bansa ng hindi matukoy na barko sa West Philippine Sea (WPS).

Iniulat ng Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon na nangyari ang insidente noong January 30, subalit ipinarating lamang ito sa mga kinauukulan noong February 16.

Ayon sa PCG, binangga umano ng isang barko ang FBCA Prince Elmo 2 sa hindi malamang lokasyon noong 8:00 ng gabi noong Enero 30.

Nailigtas ang lima sa walong mangingisda ng MV DONG AN sa katubigan malapit sa Vietnam, habang missing ang tatlong iba pa.

Ayon sa PCG, matapos ang pag-rescue, hinanap ng barko ang mga nawawalang mangingisda, subalit bigo silang mahanap ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinadala ng Coast Guard ang BRP Boracay kasama ang medical team at nagtungo sa katubigan ng Corregidor Island para salubungin ang MV DONG AN at kinuha ang mga nailigtas na mga mangingisda.

Ipinasakamay sila sa Coast Guard Sub-Station Naic at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Naic.