Tiniyak ng pulisya na may ginagawa na silang aksyon kasunod ng pagkakahuli ng tatlong menor de edad sa pagnanakaw ng kabayo na umanoy ginawang katuwaan lamang nila sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay PLT Rosalyn Gretel Mallillin, deputy chief of police ng PNP-Peñablanca, kabilang sa mga intervention na kanilang ginagawa ay ang Project Trompa, katuwang ang mga barangay officials sa pagbibigay paalala sa mga kabataan para maiiwas ang mga ito na gumawa ng krimen.

Nakikipagdayalogo rin ang PNP sa mga magulang ng mga bata lalo na sa mga out of school youth, kasabay ng pagpapa-alala sa kanila na bigyan ng oras ang kanilang mga anak at limitahan sila sa paggamit ng social media.

Itoy bukod pa sa mga serye ng symposium na isinasagawa sa mga eskwelahan.

Kasabay nito, hinimok ni Mallillin ang mga barangay officials na magpatupad ng curfew hours sa mga kabataan.

-- ADVERTISEMENT --