TUGUEGARAO CITY- Matagumpay na na naibalik sa gitna ng dagat ang pilot whale na napadpad sa pampang ng Barangay
Naguilian sa isla ng Camiguin.
Sinabi ni Seaman First Class Bryan Morales ng Philippine Coast Guard, nagtulong tulong sila kasama ang
ilang miembro ng PNP Maritime Group at mga residente ng lugar para maitulak pabalik sa malalim na
bahagi ng dagat ang mga nasabing balyena.
Ayon kay Morales, nahirapan sila na maitulak pabalik sa malalim na bahagi ng dagat ang isa sa balyena
dahil sa ilang ulit itong pabalik-pabalik sa pampang.
Sinabi niya na inabot sila ng isa at kalahating oras bago tuluyang matiyak na hindi na babalik sa
pampang nasabing pilot whale.
Kaugnay nito, sinabi ni Morales na hindi mapanganib ang mga nasabing balyena at malimit na may
nakikita ang mga residente na mga balyena sa dagat.