Nangako ang Department of Foreign Affairs na ipagkakaloob nila ang lahat ng mga kailangang assistance sa tatlong Pinoy na ikinulong sa China dahil umano sa pang-eespiya.

Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza na ipinagbigay alam sa kanila ang mga alegasyon laban sa tatlong Pinoy.

Ayon sa kanya, ang proteksyon sa mga karapatan at interes ng mga Pinoy ang prayoridad ng pamahalaan.

Idinagdag ni Daza na ibinibigay na ng Philippine Consulate General in Guangzhou ang lahat ng assistance, kabilang ang nararapat na legal support para sa mga nasabing Pinoy.

Sinabi pa niya na sinabi na nila sa Chinese Government na ang mga alegasyon ay dapat na idaan sa due process at may buong paggalang sa karapatan ng mga nasabing Pinoy na nakakasunod sa domestic law maging sa Philippines-China Consular Agreement.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa state security authorities, nadiskubre nila ang kaso ng pang-eespiya ng mga Pinoy at hinuli ang tatlo sa mga ito na nangangalap umano mga impormasyon tungkol sa military deployment ng China.