Tatlong pulis ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa Davao Oriental matapos ang isinagawang random drug test.
Ayon sa Police Regional Office-Davao (PRO-11), ang mga nasabing pulis ay may ranggong staff sergeant, corporal, at patrolman na nakataga sa Provincial Intelligence Unit at Provincial Mobile Force Company.
Batay sa palisiya, ang tatlo ay isinailalim sa restrictive custody at posibleng maharap sa kasong administratibo.
Ayon sa PRO-11, ang random drug test ay bahagi ng kasalukuyang internal cleansing campaign upang matiyak ang drug-free police force.
Sinabi ng PRO-11, ito ay paalala na ang internal cleansing ay isang shared responsibility.
Ayon dito, ang layunin ay hindi lamang para matukoy ang mga paglabag, subalit ito ay para matulungan ang kanilang personnel na sila ay nasa tamang direksion.