Tatlong pulis ang namatay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril ng law enforcers ngayong linggo.

Isa sa insidente ay nangyari sa Abra dahil sa misconduct complaint, habang ang isa ay naganap sa Marilao, Bulacan, at sangkot ang isang pulis ng Caloocan City na inakusahan na nagnakaw sa isang convenience store.

Hindi kinilala ni Philippine National Police public information chief Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga pulis sa sangkot sa pamamaril sa Abra.

Nangyari ang insidente sa Explosive Ordnance Disposal and Canine Group (EOD K9) barracks sa Bangued noong Nov. 10.

Ang unang biktima ay isang staff sergeant na inireklamo ang lieutenant ng misconduct.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsisipilyo noon ang biktima nang barilin siya ang apat na beses ng kanyang opisyal.

Narinig naman ng isang senior master sergeant ang putok ng baril, at agad na lumabas sa kanyang kuwarto, subalit binaril din siya ng lieutenant, kaya gumanti naman ang senior master sergeant, na tinamaa niya ang opisyal.

Idineklarang dead on arrival ang staff sergeant at lieutenant sa malapit na medical facility habang sumuko naman ang senior master sergeant.

Sinabi ni Teaño na isinumbong ng staff sergeant ang kanyang opisyal dahil lagi umano itong nakainom ng alak habang naka-duty.

Sa isa pang kaso, isang pulis mula sa Caloocan City ang napatay sa shootout ng mga rumesponding mga pulis matapos na pagnakawa ang convenience store sa Marilao, Bulacan noong Nov. 11.

Tinangay ng suspek ang P20,000 na benta ng convenience store at tumakas sakay ng motorsiklo patungong Barangay Loma de Gato.

Sa hot pursuit operation ng Marilao police, naharang ang motorsiklong sinasakyan ng suspek pero bigla umano siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek na may ranggong kapitan.

Nadala pa siya ospital pero idineklarang dead on arrival.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang suspek sa isang sindikatong sangkot umano sa serye ng mga pagnanakaw sa mga convenience store sa Central Luzon.